-- Advertisements --

ROXAS CITY – Pinag-iingat ngayon ang mga Pilipino sa Thailand matapos kinumpirma ng Thai government ang ika-limang kaso ng bagong coronavirus sa naturang bansa.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Roxas kay Bombo International Correspondent Cleo Rose Jondonero, isang guro sa nasabing bansa, sinabi nito na inatasan na silang gumamit ng mask pag lumabas ng bahay bilang precautionary measure, lalo na at mataas ang air index quality ng bansa.

Nabatid na isang 33 taong gulang na babaeng Thai ang nagbakasyon sa Wuhan, China at nahawaan ng virus sa kanyang pag-uwi sa Thailand.

Sa kabutihang palad ay unti unti nang bumubuti ang lagay ng pasyenteng naka-quarantine ngayon sa Rajavithni Hospital sa Bangkok.

Napag-alaman na paboritong destinasyon ng mga Thai tuwing holiday o bakasyon ang bansang China.