-- Advertisements --
Sugatan ang limang katao matapos ang naganap na pamamaril sa isang Israeli bus sa West Bank.
Agad na dinala ng mga otoridad ang mga sugatan biktima sa mga pagamutan.
Sinabi ni Israeli Defense Minister Benny Gantz na agad silang nagsagawa ng pagtutugis sa mga suspek.
Isa umanong suspek ang boluntaryong sumuko sa mga otoridad.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng insidente ng pamamaril sa mga bus ng Israel sa Jerusalem kung saan noong nakaraang buwan ay tinarget din ng mga armadong suspek ang isang bus sa Jerusalem.