-- Advertisements --
image 33

Nasa mabuting kalagayan ang limang sakay ng Philippine Air Force (PAF) Cessna 208B EX Grand Caravan aircraft na nagsagawa ng emergency landing sa runway ng Mactan Cebu International Airport.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo ang insidente ay nagresulta sa pagkaantala ng ilang mga flights sa nasabing paliparan.

Aniya na ang makina ng sasakyang panghimpapawid ay nakaranas ng mga problema at sunog sa makina pagkatapos nitong magtake-off kaya kinailangang magsagawa ng emergency landing.

Dagdag dito, dahil pa rin sa insidente, pansamanatalang isinara muna ang runway ng paliparan sa loob ng tatlong oras.

Ang naturang Cessna aircraft ay ipinadala sa PAF noong 2017.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang tukuyin ang naging sanhi o pinagmulan ng problema sa makina.