-- Advertisements --
cropped DOLE Sec. Silvestre Bello 3

Target daw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbukas nang mas marami pang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa iba’t ibang bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Ayon kay Labot Sec. Silvestre Bello III, nasa anim umanong areas ang kanilang nakikitang puwedeng pagtayuan ng POLO.

Kabilang dito ang Thailand, Beijing, Shanghai, Shenzhen, Russia at Mexico.

Kabilang naman daw sa mga binuksan na POLO sa ilalim ng Duterte administration ang Germany, New Zealand, Osaka in Japan, Los Angeles sa US, Morocco at Czech Republic.

Samantala, sa report ni Bello sa mga nagawa ng DOLE, ipinangako nitong tuloy-tuloy naman ang proteksiyon na ibinibigay nila sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng bilateral labor agreements at ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers.