-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Inaabangan ng maraming mga Pinoy ang gaganaping Best Model of Europe 2022.

Gaganapin ang kompetisyon sa Barcelona, Spain sa Setyembre 3, 2022.

Ayon kay Bombo International Correspondent Maria Edzel Lampapero Lopez, ito ay taunang kompetisyon na nilalahukan ng maraming mga kandidata mula sa iba’t-ibang bansa sa Europe.

Ngayon taon ay lima ang pambato ng Pilipinas na naka-base sa Espanya.

Sinasabing pure blooded Filipina ang kakatawan ngayon sa bansa.

Naniniwala aniya ang Filipino community na malaki ang tyansa ng bansa na manalo dahil sa angking talento ng mga Pinay candidate.

Maliban dito, maraming oportunidad ang naghihintay sa mga kalahok lalo pa sa pagiging modelo o ambassador ng iba’t-ibang brands.

Sakaling may manalong Pinay, ito ang unang pagkakataon makasungkit ng titulo ang Pilipinas.

Nabatid na noong Agosto 28, isinagawa ang presentation ng mga kandidata.