-- Advertisements --

Sinunog ng mga armadong kalalakihan ang isang simbahan sa Cameroon.

Bukod pa dito ay dinukot pa ng mga suspek ang limang mga pari ng St. Mary church sa Nchang village ng Douala, Cameroon.

Nanawagan ang Bamenda Provincial Episcopal Conference sa mga suspek na pakawalan ang mga dinukot nilang pari.

Wala pang grupo ang umako sa nasabing insidente.