Sumuko ang limang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa mga sundalo ng Marine Battalion Landing Team 8 (MBLT-8) na naka base sa bayan ng Omar, probinsiya ng Sulu.
Kinilala ng Philippine Marines ang limang sumukong ASG members na sina: Abduka T. Isa, 60 years old, Jovin Julkarnain, 39, Paud Suma, 37, Kadapi Sabirin, 35 and Munil Mujakkil, 43, pawang mga residente ng Sitio Talok-Talok, Barangay Capual.
Isinuko din ng mga bandido ang kanilang isang M1 Garand Rifles.
Ayon kay MBLT-8 Commanding Officer, Lt Col. Allan Angelo Tolentino, ang mga sumukong ASG members ay mga remnants at supporters ng napatay na ASG sub-leader Alhabsy Misaya na nag-ooperate sa bayan ng Luuk, Omar, Banguingui at Pata.
Sangkot ang mga ito sa mga kidnap-for-ransom activities at sea piracy.
Nanatili sa kustodiya ng MBLT-8 ang limang surrenderee habang sumasailalim sa custodial debriefing bago pa man sila iturn-over sa higher heqdquarters.
Dahil sa military pressure, bunsod ng pinalakas na Anti-Terror campaign kaya nagdesisyon ang mga ito na magbalik loob na lamang sa gobyerno ng saging magiging normal na kanilang pamumuhay.