-- Advertisements --

Sugatan ang limang katao matapos ang pagsagasa ng isang sasakyan sa central Jerusalem.

Ayon sa kapulisan sa Israel na sinagasaan ng Palestinian driver mataong lugar sa Machane Yeuhda market.

Nabaril at napatay ng mga sibilyan sa lugar ang nasabing suspek.

Isang 39-anyos na lalaki mula sa Eastern Jerusalem ang napatay na suspek.

Sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang insidente ay isang pagtatangka para patayin ang mga mamamayan ng Israel.