-- Advertisements --

Sugatan ang limang katao at nasira ang ilang mga sasakyan matapos na makawala ang limang limang kabayo sa Central London.

Ang nasabing mga kabayo ay mula sa Household Cavalry kung saan nakawala ang mga ito habang isinasagawa ang inspections.

Magsasagawa sana ng rehearsal ang mga kabayo para sa parada sa kaarawan ni King Charles sa buwan ng Hunyo.

Apat sa mga sugatan ay mga sundalo na pumigil sa mga kabayo at ang isa naman ay siklista na nabangga ng nasabing kabayo.

Naibalik naman ang mga kabayo sa Household Cavalry at sila ay nasa pangangalaga na ng beterinaryo.