-- Advertisements --

Nasa limang katao ang nasawi kabilang ang apat-na buwang gulang na bata matapos ang pananalasa ng ilang buhawi sa central US.

Dahil sa insidente ay maraming mga residente ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Apat sa mga nasawi ay mula sa Oklahoma kung saan naideklara na ang state of emergency doon.

Ang panglimang bikitma ay nasawi sa Iowa matapos tumama ang malakas na bagyo doon.

Base sa pagtaya ng National Weather Service (NWS) na ang nasabing tornado ay mayroong pagbugso na 218 kilometers per hours.

Nagtala naman ng 100 katao ang sugatan sa Oklahoma State of Department of Health.