-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang lima katao na nahuli sa drugden sa Cotabato City.

Nakilala ang mga naaresto na sina Nash Datumanong Taup alyas Nhas/Nash, Saida Angkal alyas Saida, 42, Mohammad Kamsa alyas Fren, 22, Nasser B. Ungkakay alyas Nas, 65, at Alidin A. Alon alyas Alidin, 27-anyos.

Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Rommel Javier na naglunsad ng anti-drug operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) katuwang ang CCPO-PS3, PNP Maritime Group, Joint Task Force Kutawato at HPG-BAR sa isang drugden sa Purok, Silangan, Datu Balabaran, Mother Barangay Cotabato City.

Nakuha sa mga suspek ang 17 pakete ng shabu na may bigat na 16 grams at nagkakahalaga ng Php108,800.

Kasama rin sa nakuha ang drug paraphernalia, buy-bust money, apat na units ng mobile phone at identification cards o IDs.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng PDEA-BAR sa Cotabato City.