-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang limang katao kasama na ang isang menor de edad matapos ang salpukan ng isang tricycle at motorsiklo sa Lucena City.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Jeffrey Rubio; Baby Jane Rubio, 35, residente ng Greenhill PH 2, Brgy Market View sa nasabing lungsod; Harold Nacional Nieves, 23; Curt Kevin Cruz Sardin, 20, residente naman ng Gumaca, Quezon at isang menor de edad.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng tricycle na minamaneho ni Jeffrey, sakay ang kaniyang asawa na si Baby Jane at ang kanilang menor de edad na anak patungo sa Diversion road ng bigla na lamang lumabas sa kaniyang linya ang motorsiklo na minamaneho naman ni Nieves, sakay si Sardin mula naman sa kabilang direksyon kung saan direkta itong nakasalpok sa tricycle nila Jeffrey.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang mga katawan ang mga sangkot sa nasabing insidente na agad naman na dinala sa ospital para sa emergency.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.