-- Advertisements --

Iniulat ng US Central Command (CENTCOM) ang umano’y matagumpay na pagsira sa limang Iranian oil tanker bilang ganti sa panibagong missile attack ng Iran.

Ayon sa command, dalawang magkasunod na tangkang pag-atake ang ginawa ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) sa mga warship ng US ngunit hindi matagumpay.

Ang pagsira sa limang tanker, ayon sa command, ay bahagi lamang ng pagganti ng naturang US forces sa patuloy umanong pag-atake ng Iran sa mga tropa ng US na nakadeploy sa nagpapatuloy na giyera.

Batay pa sa ulat ng command, malapit sa US-allied Gulf states ang mga ito noong pinasabog ng mga militar.

Inabisuhan pa umano ang mga crew na abandonahin muna ang kanilang mga barko bago isinagawa ang pag-atake.

Bago nito ay tatlong Iranian tanker din ang sinira ng US nitong nakalipas na lingo.

Nauna na ring nagbabala si Iranian Armed Forces Chief of Staff, Ali Abdollahi na tuloy-tuloy ang pag-atake nito sa US bases sa Middle East kung hindi tumigil ang US sa pag-atake sa mga oil tanker.