-- Advertisements --
DAVAO CITY – Kakasuhan ang limang katao matapos na maaresto sa isinagawang entrapment operation ng pulisya dahil sa pagbebenta ng overpriced na thermometer.
Pinangunahan ng mgg kawani ng Davao City Police Special Operation Group, Davao City Intelligence Unit, CIDG DAVAO CFU at Philippine Airforce ang naturang operasyon, kung saan naaresto ang tatlong lalaki at dalawang babae.
Nakuha mula sa kanila ang 30 thermometer na may kabuuang halaga na P124,500 dahil ibinibenta nila ito ng P4,150 bawat isa.
Nabatid na ang selling price lamang ng naturang thermometer ay P3,400 lamang sa mga pamilihan.
Kasalukuyang nakakulong na ang mga ito dahil sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.