-- Advertisements --

MANILA – Tumama ang magnitude 5.2 na lindol sa bayan ng San Antonio, Zambales nitong hapon.

Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), “tectonic” ang origin ng pagyanig na naitala sa karagatang sakop ng nasabing bayan.

Dakong 12:41 ng hapon nang maitala ang lindol.

Naitala ang Intensity 1 sa Quezon City.

Habang Instrumenta Intensity 1 ang naitala sa Marikina City, at Olongapo City.

Wala naman daw aasahang pinsala sa mga struktura ang lindol, pero pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko kaugnay ng aftershocks.

Nitong araw nang yanigin din ng 5.5-magnitude na lindol ang Jose Abad Santos, Davao Occidental.