-- Advertisements --

Nasa ika-apat na araw ngayon na sunod-sunod at tuloy-tuloy pa rin sa record breaking na paghina ang halaga ng piso kontra sa US dollars.

Sa report na inilabas ng Bankers Association of the Philippines (BAP) naitala na naman ang piso sa pinakamahina sa kasaysayan na umabot na sa P58.50 katumbas ng isang dolyar.

Nagpahiwatig naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpapatupad pa rin sila ng panibagong interest rates depende sa pagkilos ng US federal reserve upang maibsan ang patuloy na pagkalugi ng piso.

Una rito ang Pilipinas ang isa sa tatlong Southeast Asian nations na nagtaas ng interes sa pangungutang.

Makikita sa baba ang peso-dollar closing rates sa nakalipas na mga araw:

September 16 = P57.43
September 19 = P57.40
September 20 = P57.48
September 21 = P58.00
September 22 = P58.49

Source: BAP