NEW ORLEANS – Kumamada ng 39 points si Kawhi Leonard at nakabawi ang Los Angeles Clippers matapos malamangan para talunin ang New Orleans Pelicans, 133-130.

Naitala ni Lou Williams ang 14 sa kanyang 32 points sa kasagsagan ng fourth quarter para sa Los Angeles, na nilamangan ang Pelicans 31-29 sa final 12 minutes.

Ang 3 pointer ni Williams sa huling 31.6 seconds, matapos na mai-rebound ni Patrick Beverly ang nagmintis ni Leonard, ay nagbigay sa Clippers ng 133-127 lead.

Pero kaagad naman na nakapagpasok ng 3 si JJ Redick, matapos na habulin ni Leonard ang shot clock pero bigong makapagpapasok ng 3.

Samantala, mayroong 24 points si Montrezl Harrell para sa Clippers.