-- Advertisements --
4Ps 1

Naaresto ng pulisya ang isang babaeng nambiktima sa ilang indibidwal na nais mapabilang na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.

Natukoy ang suspek na si Myra Table Mangitngit na nagpakilalang empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima nito.

Nabatid na pinangakuan umano ng suspek ang mga biktima na ipapasok ang mga ito sa 4Ps program kapalit ng P3,050 na gagamitin sa pagproseso ng mga requirement gaya ng medical examination at COVID-19 test.

Agad namang nagsagawa ng entrapment operation laban sa suspek matapos na makatanggap ng reklamo mula sa DSWD.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Ferdinand del Rosario, nadakip ang suspek na humaharap sa kasong syndicated estafa at usurpation of authority.

Muling pinaalalahanan naman ang publiko na mag-ingat laban sa mga scammer at tumungo lamang sa tanggapan ng gobyerno para matulungan ang mga nagnanais na mapabilang sa naturang programa.