-- Advertisements --

Target tutukan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapaabot ng dagdag na tulong sa mga Pilipinong nangangailangan pagpasok ng 2020.

Sa pagharap ng DSWD officials sa budget hearing nitong araw, inamin ng kagawaran na nais nilang iakyat sa P158.5-bilyon ang pondo para sa Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).

Mas mataas ito ng 12.16-percent o katumbas ng P108-bilyong pondo ng 4Ps ngayong taon.

Ayon sa DSWD, umakyat na sa 4.1-milyon ang bilang ng mga pamilyang benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer program kaya dapat lang na taasan na rin ang pondo para rito.