-- Advertisements --

Sinira ang aabot sa 4 million hindi nagamit at depektibong mga balota noong nakalipas na barangay at SK elections noong Oktubre 30.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec).deputy executive director for administration Helen Flores, sinimulan ang pagsira sa nasabing mga balota kahapon.

Sa naturang bilang, nasa 1,371,179 ng mga balota ang itinuturing na depektibo dahil sa printing error.

Ang iba naman ay hindi nagamit dahil sa conversion ng mga bayan sa lungsod.

Kabilang dito ang pagratipika ng plebisito sa lungsod ng baliuag sa Bulacan at Carmona sa Cavite noong Oktubre 30.

Gayundin sa Maguindanao na pinagbotohang hatiin sa 2 sa isinagang plebisito noong Setyembre.

Sinira din ang mga hindi nagamit na balota matapos magpasya ang Korte Suprema na ilang lugar sa Makati ay bahagi ng Taguig.

Nakatakda ring sirain ang mga sobrang balota.

Samantala, ayon sa Comelec official posibleng abutin ng 3 linggo hanggang 1 buwan para mau-manong masira ang mga hindi nagamit na mga balota saka ituturn-over sa Comelec disposal committee para sa machine shredding.