-- Advertisements --
Nailipat na ang 48 na mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng New Bilibid Prisons (NBP) ng Muntinlupa sa buyog Leyte Regional Prison.
Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Director General Gregorio Pio Catapang Jr, na ang nasabing hakbang ay bahagi ng kanilang pag-decongest ng mga preso ng NBP.
Isa rin itong paghahanda para sa pagsasara ng National Penitentiary sa darating na 2028.
Kasama nilang nagbigay ng seguridad sa mga PDLs ang PNP at Philippine CoastGuards.