Hindi bababa sa 47 lugar sa bansa ang inaasahang makakaranas ng dry condition o tuyong panahon sa katapusan ng Nobyembre dahil sa El Niño sa tropical Pacific.
Batay sa forecast, posibleng makaranas ng dry condition o 21% hanggang 60% na pagbaba ng ulan sa loob ng dalawang magkasunod na buwan ang ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Kabilang dito ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon gaya ng Ilocos, Central Luzon, CALABARZON, Bicol, at mga isla ng Mindoro at Palawan; ilang bahagi ng Visayas tulad ng Aklan, Iloilo, Samar, at Leyte; at ilang lugar sa Mindanao gaya ng Dinagat Islands at Surigao del Norte.
Samantala, ang Camarines Sur lamang ang posibleng makaranas ng dry spell na tatagal ng tatlong buwan o matinding pagbaba ng ulan sa loob ng dalawang buwan. Wala namang inaasahang lugar na makararanas ng drought sa kasalukuyang outlook.
Ang datos ay batay sa aktwal na ulan mula Disyembre 2025 hanggang Mayo 2026 at forecast rainfall para sa Hunyo hanggang Nobyembre 2026.
Ayon sa state weather bureau, maaaring magbago pa ang forecast sa susunod na climate forum sa Hunyo 24.
















