Nakapagtala nanaman ng mahigit 4,500 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa loob ng tatlong sunud-sunod na araw ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa pinakahuling datos ng kagawaran, umakyat na sa 4,679 ang mga bagong kaso ng nasabing virus Pilipinas ang naitala ng kagawaran noong Sabado, Agosto 13, 2022.
Ayon pa sa ahensya, pumalo na rin na sa 40,324 ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa base naman sa pinakahuling data ng DOH coronavirus tracker.
Nasa 15. 843 dito ay mula sa National Capital Region (NCR), na sinundan naman ng 10,052 mula sa Calabarzon Region, 5,212 sa Central Luzon, 2,873 sa Western Visayas, at 2,236 naman sa Cagayan Valley.
Samantala, 4,617 dito ang gumaling dahilan naman ng pagtaas ng recovery tally sa bansa sa 3,726,442 habang nakapagtala naman ng 48 bagong bilang ng mga nasawi ang naitala nitong Sabado na nagtulak naman sa kabuuang 60,992 na bilang ng death tally sa bansa.