Aabot sa 450 overseas Filipino workers na ang nagpahayag ng intensiyon na ma-repatriate o makauwi na sa Pilipinas.
Ito ay matapos na ibaba na sa Alert level 2 mula sa dating Alert level 4 ang alert status sa Myanmar na ipinairal simula pa noong Mayo 2021 dahil sa karahasan at warfare bunsod ng inilunsad na military kudeta.
Ibinahagi din ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega ang kasalukuyang kalagayan ng OFWs sa Myanmar kung saan ang mga nagtratrabaho sa mga lungsod ay nasa maayos na kalagayan.
Ito aniya ang ilan sa masusing ikinonsidera sa desisyon ng ahensiya na ibaba ang alert level sa naturang bansa.
Ayon pa sa DFA official na kagagaling lang din mula sa kaniyang pagbisita sa Myanmar kamakailan na kalmado na at business as usual na ang mga kabisera sa Yangon, Mandalay, at Naypyidaw kung saan nasa 450 Pilipino na legal na may working visa ang nasa matiwasay at ligtas na kalagayan.
Mula naman sa 100 Pilipino na iligal na nagtratrabaho sa Myanmar, ayon kay De Vega nasa 16 dito ay humiling na ng repatriation.
Sinabi naman ng DFA official na sila ang magbabayad para sa repatriation ng mga kailangang tulungang makatakas sa illegal gambling operations sa ibang parte ng Myanmar.
Makakatanggap din ng financial assistance ang mga distressed Filipino na humiling na ma-repatriate mula sa Department of Migrant Workers pagdating sa bansa.
Nilinaw naman ni De Vega na hindi kakasuhan ang mga ito sa halip ay ititurn-over sa Inter-Agency Council Against Human Trafficking para madakip ang illegal traffickers na nag-recruit sa kanila.