-- Advertisements --
Pinoy in Public MRT Street Filipino walking Christian Yosores

Positibo ang nasa 45 porsyento ng mga Pilipino na bubuti ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan o sa susunod na taon ayon sa lumabas na panibagong survey mula sa Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa ang naturang survey sa 1,500 respondents mula September 29 hanggang October 2.

Lumabas din sa naturang survey na nasa 39% ang naniniwala na walang pagbabago sa kalidad ng kanilang buhay habang maliit na porsyento lamang o 4% naman ang inaasahan na lalala pa ang kanilang pamumuhay, at nasa 12% naman ang hindi nagbigay ng kasagutan.

Ang resulta ng survey ay may net optimism score na 40 na itinuturing na excellent ng SWS.