-- Advertisements --
Umakyat na sa 45 ang patay na iniwan ng Hurricane Ian sa estado ng Florida sa Estados Unidos.
Matapos manalasa sa Florida, tinarget naman nito ang South Carolina, at nagkaroon ng second landfall malapit sa Georgetown, Carolina bilang Category 1 hurricane.
Sa ngayon inaasahang hihina na ito lalo sa pagbagtas na direksiyon sa bahagi na ng North Carolina o kaya sa estado ng Virginia ayon sa national hurricane center.
Nitong nakalipas na dalwang araw, hindi pinatawad ng malakas na bagyo ang mga dinaanan nito sa southwestern coast ng Florida bilang major Category 4 hurricane.
Nag-iwan ito ng matinding pinsala sa mga coastal communities, habang winasak ang maraming mga ari-arian, at maging ang matinding epekto ng storm surge at pagbaha.