-- Advertisements --
US COVID cases MAP states John Hopkins
Tracking COVID-19 cases in the US (Johns Hopkins University)

Umaabot sa 44,091 ang panibagong coronavirus cases ang naitala ngayon sa Amerika habang nasa 1,324 ang dagdag na mga nasawi.

Sa ulat ng Johns Hopkins University data, umakyat pa lalo ang national total sa 5,482,416 cases at nasa 171,821 na ang death toll.

Ang mga nahawa sa virus ay mula lahat sa 50 mga estado at iba pang mga US territories.

Habang ang US ang nangunguna sa buong mundo, sumusunod naman ang Brazil na meron na ring kabuuang 3.4 million cases at 109,888 deaths.