-- Advertisements --
Natagpuan ng mga otoridad ang bangkay ng 44 sibilyan mula sa gumuhong gusali sa Izyum City ng Ukraine.
Pinabagsak kasi ng missile ng Russia ang five-storey building noong Marso kung saan maraming mga residente ang nagtago sa basemen nito.
Posible aniya madadagdagan pa ang kanilang matatagpuan na bangkay dahil sa hindi pa nila naabot ang ilalim ng nasabing gumuho.
Nauna ng nakubkob ng Russia ang Izyum noong Abril 1 at ito ay nabawi ng mga Ukraine matapos ang ilang linggo.