-- Advertisements --

Nabalot ng makapal na usok ang lungsod ng Changsha sa China matapos na masunog ang 42-storey buildings.

Dahil sa nasabing sunog ay agad na pinalikas ang mga tao na nag-oopisina sa nasabing gusali.

Umabot sa ilang oras bago maapula ng mga rumespondeng bumbero ang nasabing sunog.

Habang walang naitalang nasugatan sa insidente ay inaalam ng mga otoridad ang pinagmulan ng nasabing sunog.