-- Advertisements --

Nakarating na ng Pilipinas ang mahigit 400 Pinoy mula Lebanon na kabilang sa tinaguriang “single mass repatriation flight” sa kasaysayan ng bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang Twitter post, sinabi ng DFA na 410  Pinoy ang natulungan ng Philippine Embassy sa Beirut na makauwi ng bansa.

Karamihan sa mga ito ayon sa DFA ay ilang taon nang naninirahan sa Lebanon.

Ang mga repatriates na ito ay beneficiaries ng libreng voluntary mass repatriation program ng embahada, na nagsimula noong pang Disyembre 2019.

Sinabi ng DFA na 1,023 Pinoys na ang kabuuang bilang natulungan ng embahada na makauwi sa loob ng 15 flights.