-- Advertisements --

CEBU CITY – Inanunsyo ngayon ni Police Regional Office (PRO-7) chief B/Gen. Albert Ignatius Ferro na aabot sa 40 ang mga pulis at non-uniformed personnel ang gumaling na mula sa coronavirus disease (COVID-19).

Hinihintay na lang nito ang resulta ng ikalawang swab test upang masiguro na ligtas na makauwi ang mga ito sa kani-kanilang pamilya matapos ang higit 28 araw na naka-isolate.

Aabot sa halos 17 na lang ang nagpositibo sa nasabing virus na nasa isolation area at mga pagamutan.

Umaasa pa si Ferro na makakalabas na rin ang mga ito sa susunod na araw.

Samantala, nanatiling naka-half-mast ang lahat ng bandila sa opisina ng pulisya sa buong Rehiyon 7 matapos pumanaw ang dalawang pulis sa lungsod ng Cebu.

Sinabi pa ni Ferro, na mananatiling commited at dedicated pa rin sila sa pagprotekta ng mga Cebuano kahit pa man sa pagpanaw ng kasamahan nilang frontliner.