-- Advertisements --

Hindi bababa sa 40 ang patay matapos atakihin ng mga lalaking naka-combat fatigues ang isang concert hall sa Krasnogorsk sa Russia.

Bukod dito, mayroon pang higit 100 na katao na pinaniniwalaang na-trap sa loob ng gusali dahil nagsimula na rin itong masunog bunsod ng mga pagsabog. 

Nakapag-set up na ang mga awtoridad ng police dragnet na layong mahuli ang mga pasimuno ng pag-atake. 

Dahil dito, ikakansela na umano ng Moscow government ang lahat ng cultural, sporting, at iba pang mass events sa mga susunod na araw. 

Matatandaan  na kamakailan lang ay nagbabala ang United States ng terror warning sa mga Amerikanong naninirahan sa Russia. Sinabi rin nito na huwag pumunta sa mga public gatherings dahil nakatanggap umano sila ng ulat na may extremist groups ang may balak na magpasabog sa public gatherings. 

Gayunpaman, hindi malinaw kung ang nangyaring pag-atake ay ang sinasabi sa babala ng US.