KORONADAL CITY – Hindi tinanggap ng 40 na pamilya mula sa Barangay Zone 4, Koronadal City ang inialok na P5,000 na tulong mula sa social amelioration program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Barangay Zone 4 Kapitan Gener Janapon, nagdesisyon na lamang ang mga ito na i-waive o ibalik na lamang ang nasabing tulong para sa mga nararapat tumanggap nito lalo na’t mayroon umanong kakayahan ang mga itong buhayin ang kanilang pamilya.
Muli rin nitong iginiit na hindi tinanggap ng kaniyang asawang si Carmelita ang nasabing ayuda, habang ang dalawang kapatid nito ay nakatanggap ng SAP dahil nawalan sila ng trabaho.
Panawagan naman nito na sana’y tipunin na lamang ang ilalabas na financial assistance para sa mga apektadong residente.