-- Advertisements --
Nasa 40 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang pagsiklab sunog sa magkakatabing bahay sa Camia Street ng Barangay Zapote Uno, Bacoor Cavite.
Umabot sa mahigit dalawang oras bago tuluyang maapula ang nasabing sunog.
Nagtulong-tulong na lamang ang mga residente para maapula katuwang ang mga bumbero.
Inaalam pang mabuti ng mga Bureau of Fire Protection ang sanhi ng nasabing sunog.