-- Advertisements --
Mahigpit na binabantayan ngayon ng Inter-Agency Council for Traffic o IACT ang Pasay at Parañaque para matiyak na nasusunod ang batas sa kaligtasan ng mga motorista at pasahero.
Magugunitang, sa loob ng pitong araw na operasyon ng I-ACT, aabot sa 40 driver ang natikitan dahil sa paglabag sa Memorandum Circular No. 2022-070, public utility bus (PUBS) at modern jeepney.
Makikita sa larawan na halos dikit-dikit na ang mukha ng mga pasahero ng bus at modern jeep.
Kung maalala, nasa 10 hanggang 15 pasahero ang pinapayagang nakatayong pasahero depende sa uri ng bus habang lima pasahero lamang ang pwedeng nakatayo sa modern jeep.
Nasa multang P5,000 ang babayaran ng mga violator.