-- Advertisements --

Muling sinuspinde ng National Basketball Association(NBA) ang defensive specialist ng Golden State Warriors kasunod ng pagkaka-eject nito sa match ng Warriors at Phoenix Suns kahapon(Dec13).

Maalalang tinalo ng Suns ang Warriors sa isang thriller game, 119 – 116 kung saan bago natapos ang laro ay naunang na-eject si Green kasunod ng naging panununtok nito kay Suns center Jusuf Nurkic.

Dito ay ginawaran si Green ng flagrant foul.

Batay sa inilabas na statement ng NBA, sinuspinde si Green dahil sa kanyang sunod-sunod na hindi maka-sports na kilos.

Una rito ay ginawaran din ng NBA si Green ng limang game na suspension dahil sa kanyang pagsakal(headlock) noong kay Minnesota Timberwolves Center Rudy Gobert.

Nangyari ito noong Nobiembre-14, 2023, o isang buwan pa lamang ang nakakaraan.

Ang panibagong suspension ay isang ‘indefinite suspension’. Ibig sabihin, ang NBA pa ang tutukoy kung kailan ito tatanggalin.