-- Advertisements --
Sugatan ang apat na katao dahil sa pagbagsak ng pedestrian bridge sa highway ng Washington, DC.
Matatagpuan ang bumagsak na pedestrian bridge sa Kenilworth Avenue bago sa Polk St.
Agad na dinala sa pagamutan ang apat na katao na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Nagdulot din ng matinding trapiko ang pagbagsak ng tulay.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng tulay.