-- Advertisements --
Sugatan ang apat na katao matapos na sila ay pagsasaksakin sa isang university campus sa Germany.
Ayon sa mga otoridad bigla na lamang pumasok sa seminar building ng Hamm-Lippstadt University of Applied Sciences ang lalaking armado ng panaksak.
Tatlong babae at isang lalaki ang sugatan sa insidente na agad naman silang itinakbo sa pagamutan.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.