Apat patay samantalang anim ang patuloy na pinaghahanap sa gumuhong open mining area ng Toledo, Cebu
Unread post by bombocebu » Tue Dec 22, 2020 5:01 pm
CEBU – Nasa apat na ang patay samantalang anim ang patuloy na pinaghahanap matapos gumuho ang open-pit mining area sa lungsod ng Toledo, Cebu.
Patuloy ang search and rescue operations ng otoridad sa open mining area ng Carmen Pit na pagmamay-ari ng Carmen Copper Corporation.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Toledo City Public Information Officer Roseller Layan, inihayag nito rumesponde na ang Philippine Coast Guard matapos na humiling si Mayor Joie Piczon-Perales ng tulong kaugnay sa nagpapatuloy na search and rescue operations.
Samantalang sinisikap ng mining company na marescue ang anim na trabahanteng missing. Batay sa inilabas na statement nito, patuloy na nakipag-ugnayan ang kompanya sa mga kinauukulang ahensiya para sa paglutas ng problema.
Sa ngayon suspendedo na ang lahat na mga mining activities sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado at mga contractors.
Maaalala na bumalik ang operasyon ng industriya ng copper noong 2007 sa pamamagitan ng Carmen Copper Corporation kung saan aabot ng 42,000 dry metric tons ng copper ore ang makukuha nito bawat araw.