Aabot sa apat na katao ang iniwang patay ng sumiklab na sunog sa Taguig City.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang alas-3:54am sa 336 Gumamela St., Katipunan Village, Barangay Western Bicutan, Taguig City.
Ayon kay BFP Officer III Ana Joy Parungao, sa ngayon ay nananatili pa ring under investigation ang naturang insidente upang alamin kung ano ang posibleng naging sanhi ng pagsiklab ng nasabing apoy.
Kaugnay nito ay nakatakda namang isailalim sa autopsy ang mga bangkay ng biktima.
Una nang iniulat ng BFP na umabot sa first alarm ang sunog bandang alas-4:07am ng umaga at naging under control naman bandang alas-4:22am, na tuluyan namang naapula bandang alas-4:37am.
Tinatayang aabot naman sa Php200,000 ang halaga ng pinsalang idinulot ng pagkasunog ng nasabing bahay.