Patay ang apat na katao matapos na sila ay pagsasaksakin sa Far Rockaway, Queens sa New York City.
Ayon kay New York City Police Department Chief Jeffrey Maddrey na ang mga biktima ay kinabibilangan ng 11-anyos na batang babae, 12-anyos na batang lalaki, 44-anyos na babae at isang lalaki na nasa edad 30.
Pawang mga magkakamag-anak umano ang mga nasawing biktima.
Bago napatay ng mga kapulisan ang suspek ay sinaksak pa nito ang ilang mga rumespondeng pulis na ikinasugat ng isa kaya napilitan ang isang pulis na barilin na ang suspek.
Dinala sa pagamutan ang sugatang pulis at sila ay nasa ligtas na ng kalagayan.
Kinilala ang suspek na isang 38-anyos na residente ng Bronx kung saan pinaniniwalaan nila na ang krimen ay may kinalaman sa personal na awayan sa pagitan ng suspek at mga biktima.