-- Advertisements --

Patay ang apat na katao sa Russian missile strike sa Kyiv.

Ayon kay Oleksii Kuleba, ang Kyiv region military administration head, na mayroong 34 iba pa ang sugatan sa nasabing insidente.

Lima sa mga sugatan ay mga bata.

Dahil na rin sa insidente ay nawala ang suplay ng kuryente sa nasabing lugar.

Tiniyak din ng mga otoridad na agad nilang ibabalik ang suplay ng kuryente.