BANGGAAN TRUCK AT TRICYCLLE
Cauayan vehicular accident

CAUAYAN CITY – Patay ang apat na sakay ng tricycle matapos na masalpok ng kasalubong na forward truck na nag-overtake sa isang sasakyan habang binabagtas alas tres nitong Lunes ng hapon sa daan sa Del Pilar, Cabatuan, Isabela.

Ang tricyle ay minamaneho ng namatay din na si Wilson Guillermo 56 anyos, biyudo, residente ng Sampaloc, Cabatuan, isabela.

Namatay din ang tatlong sakay na sina Jerry Yu, 61 anyos, residente ng Barangay Tres, San Mateo, Isabela; Jalhen Acosta, 19 anyos, estudiyante at residente ng Del Pilar, Cabatuan, isabela at Juanita Iglesia, 69 anyos, biyuda at residente ng Burgos, Ramon, Isabela.

Ang forward truck ay minaneho ni Marvin de Guzman 35 anyos, residente ng San pedro, Mallig, Isabela na tumakas matapos mabangga ang tricycle.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj Richard Babaran, hepe ng Cabatuan Police Station, sinabi niya na natumbok ng truck ang tricycle at sa lakas ng impact ay nagtamo ng malalang sugat ang mga biktima.

Dead on the spot ang driver na si Guillermo na naipit sa pagitan ng truck at tricycle.

Habang hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang tatlo pang sakay ng tricycle.

Ang forward truck ay galing sa Aurora, isabela at patungo sa San Mateo, isabela nang maganap ang banggaan sa Del Pilar,cabatuan, isabela.