-- Advertisements --
Patay ang apat na katao matapos ang banggaan ng dalawang helicopter sa Australia.
Base sa imbestigasyon ng Queensland Police na nangyari ang insidente malapit sa Seaworld sa Gold Coast kung saan ang isa ay palipad na habang ang isa ay pababa na.
Lahat ng mga nasawi ay magkakasama sa iisang helicopter kung saan sugatan ang tatlo nilang kasama.
Habang lima sa anim na katao sa kabilang helicopter ay nagtamo ng sugat kaya itinakbo ang mga ito sa pagamutan.
Ang mga helicopters aniya ay ginagamit ng Seaworld park para sa mga turista nila na nais mag-sight seeing.
Nagsasagawa na ang mga otoridad ng imbestigasyon sa nangyaring insidente.