-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao habang sugatan ang 60 iba pa matapos ang pagkadiskaril ng rain sa Bavaria, Germany.

Karamihang sakay ng train ay estudyante na patungo sa Munich ng tatlo sa bagon nito ang nadiskaril sa riles malapit sa Garmisch-Partenkirchen.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga sugatang biktima kung saan 16 sa kanila ang nasa malubhang kalagayan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.