-- Advertisements --
kuryente

Inaasahang makakaranas pa rin ng power interruptions ang Luzon sa kabila pa ng malamig na klima ngayong ber months.

Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Guevarra, mayroong apat na potensiyal na yellow alerts na maaring mangyari sa Luzon ngayong taon.

Tinukoy ni USec. Guevarra ang El Nino phenomenon bilang pangunahing rason para sa posibleng yellow alerts na minomonitor ng DOE.

Aniya, isa sa hydropower plants ay nakapagtala ng 70% pagbaba sa kapasidad nito.

Pagdating naman sa Visayas, posibleng makaranas ng power interruptions sa gabi dahil walang solar power habang sa Mindanao naman hindi aniya nakikita ang anumang posibleng yellow alerts sa Mindanao dahil two-thirds lamang ang demand sa kuryente.