Iniulat ng Philippine National Police na nadadagdagan pa ang bilang ng mga validated election-related incidents na naitatala nito sa bansa bago ang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ito ay matapos na umakyat na sa apat ang bilang ng mga kumpirmadong insidente na may kaugnayan sa nasabing halalan.
AYon kay PNP Public Information Office chief PCOL Jean Fajardo, kabilang sa naturang mga election-related incidents na nabalido ng pulisya ay ang mga insidente ng pamamaril sa Libon, Albay; Taal, Batangas; at Piagapo, Lanao del Sur; maging ang nangyaring alarm and scandal sa Malabang, Lanao del Sur.
Samantala, kaugnay nito ay muli namang binigyang-diin ng opisyal na gagawin ng Pambansang Pulisya ang lahat upang ti yakin na magiging maayos at mapayapa ang gaganaping BSKE sa bansa.