-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Mr. Christian Andrew Rillorta, Information Officer ng Social Security System (SSS) Region 1 na mayroong apat na employer dito sa lalawigan dahil sa hindi umano pagbayad ng mga ito sa
kontribusyon ng kanilang mga empleado.

Ayon kay Rillorta, ang mga employers ay mula dito sa lungsod ng Laoag, sa bayan ng Solsona, Marcos at San Nicolas.

Dahil dito, nasabihan na umano ang mga naturang employer na solusyonan ang problema.

Nabatid na 92 na empleyado ang hindi nabayaran ang kontribusyon at aabot sa 1.72 milyong piso ang kailangang bayaran ng mga employer.

Sinabi nito na iba-iba ang dahilan ng mga employers kung bakit hindi nila nabayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado partikular na ang pagsara at pagtanggal ng mga maggagawa dahil sa pandemya.

Naiintindihan umano ng ahensiya ang sitwasyon ng mga negosyo kaya’t may programa sila at nabigyan ng pagkakataon na magbayad.