-- Advertisements --

Nailigtas ang apat na bata matapos na ma-stranded ang kanilang sinakyang cable car sa Pakistan.

Umabot ng 10 oras bago tuluyang maibaba ang mga biktima na na-stuck sa cable car.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na sinasakyan ito ng mga bata patungo sa kanilang paaralan ng biglang naputol ang isang cable nito.

Nahirapan ang mga rescuers na iligtas ang mga biktima dahil sa lakas ng hangin.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima at sila nabigyan ng paunang lunas.