Patuloy na minomonitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang apat na aktibong bulkan sa bansa na nananatiling nasa Alert Level 1 dahil sa sunod-sunod na volcanic activities.
Ayon sa Phivolcs, ang mga sumusunod na bulkan ay nananatili sa ilalim ng Alert Level 1:
Pinatubo Volcano (Pampanga, Zambales, and Tarlac) – Since March 4, 2021
Mayon Volcano (Albay) – Since July 17, 2020
Taal Volcano (Batangas) – Since March 19, 2020
Kanlaon Volcano (Negros Island) – Since March 11, 2020
4 active volcanoes in PH still on Alert Level 1
Samantala, ang Bulusan Volcano naman sa Sorsogon ay nananatili sa Alert Lvel 0 noon pang October 26, 2020. Ibig sabihin lamang nito ay tahimik at walang nade-detect na magmatic eruption sa nasabing bulkan.
Nangako naman ang ahensya na patuloy nitong imomonitor ang lahat ng aktibong bulkan sa bansa.